Nanapak niresbakan ng saksak, todas

MANILA, Philippines - Saksak ang iginanti ng isang lalaki sa kainuman na sumapak sa kanya habang sila ay nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na si Ronaldo Cinco, nasa hustong gulang, residente ng San Vicente Ferrer, Camarin ng lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Henry Magtanao, nasa hustong gulang, at residente ng Guya­bano St., Camarin ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang magkapikunan sina Cinco at Magtanao habang nag-iinuman sa may Lapu-Lapu Extension, Camarin.

Nangungulit umano si Magtanao hanggang sa dalawang beses na sapakin ng biktimang si Cinco.

Hindi sukat akalain ng biktima na may dalang patalim ang suspek at agad siyang inundayan ng mga saksak na kanyang ikinamatay.

Show comments