MANILA, Philippines - Sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kay TESDA chief Joel Villanueva kaugnay ng pork barrel scam ay tahasang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi pa ito ligtas sa kaso.
Bunsod ng sinasabi ni Villanueva na pineke umano ang kanyang pirma ang ilang mga mahahalagang dokumento.
Anya, kailangan munang i-evaluate ang lahat bago man kumpirmahin na absuwelto sa kaso at kailangan na maging maingat bago ihayag sa publiko.
Ayon pa sa kalihim na ang sinasabi ni Villanueva na pineke ang kanyang pirma at hindi nangaÂngahulugan na absuwelto na siya.
Si Villanueva ay kasama sa special report ng Commission on Audit (COA) na kabilang sa mga mambabatas na naglaan ng kanilang “pork barrel†sa NGOs ni Janet Lim Napoles at kasama rin sa listahan witness na si Benhur Luy.