MANILA, Philippines - Posible anyang tumaas ang presyo ng petrolyo sa bansa dahil sa apektado ito ng tumitinding giyera sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde sa bansang Iraq.
Ito ang inihayag ni Department Of Energy (DOE) Undersecretary Zenaida Monsada at posibleng piso kada litro ang magiging pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Subalit, ayon naman sa ilang industry sources na mas mataas pa sa piso ang posibleng pagtaas ng nasabing produkto.
Dahil kontrolado na ng mga rebeldeng grupo ang hilagang bahagi ang nasabing bansa at patungo na ang mga ito sa katimugang bahagi na matatagpuan ang oil refinery at production facility.
Nabatid na ang Iraq ang nasa pangatlo sa buong mundo na nagsusuplay ng produktong petrolyo at mahigit 3.3 milyon na bariles kada araw ang pino-produce ng nasabing bansa.
Sa pagsipa ng presyo ay posibleng tatlong dolyar kada bariles ang pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas.
Kaya’t nagbabadya na naman ang transport group para hinilingin ang pagtaas ng pasahe na kadaragdag lamang ng 50 sentimos sa minimum fare na P8 noong Hunyo 14 ang pasahe sa jeep.