Erap: Jinggoy, ’di naging maingat sa PDAF; na-set up
MANILA, Philippines - Hindi naging maingat sa kanyang Priority DeveÂlopment Allocation Fund (PDAF) si Jinggoy.
Ito ang paniniwala ng dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada kung kaya’t nahaharap ngayon sa malaking kontrobersiya at kaso ang kanyang anak na si Senador Jinggoy Estrada.
Ayon sa Alkalde, hindi na inalam pa ni Jinggoy ang mga non-governemnt organization na kanyang bibigyan ng kanyang pondo at ipinaubaya lamang sa kanyang mga tauhan ang implementasyon nito.
Giit ni Estrada, ang Department of Budget and Management (DBM) at ang implementing agency ang dapat na mag imbestiga kung bogus ang isang NGO, kaya malaki ang posibilidad na na-set-up ang senador.
Ayon pa kay Estrada, malaki rin ang kanyang paniniwala na naturuan na ng kanyang sasabihin si Ruby Tuason dahil kailangan nitong isalba ang kanyang sarili mula sa pagkakasangkot sa pork barrel scam.
Tiwala rin si Estrada na malalampasan ni Jinggoy ang kasong plunder na isinampa laban dito kasama sina Senator Bong Revilla at Juan Ponce Enrile.
- Latest