MANILA, Philippines - Hindi na maibabalik sa ilalim ng 2015 national budget ang kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund.
Ito ang siniguro ni House Speaker Feliciano Belmonte matapos na idineklara na ito ng Korte Suprema na labag sa batas o unconstitutional kaya dapat nila itong sundin.
Hanggat maaari ay iiwasan din nilang maisingit sa 2015 budget ang lump sum na pondo sa ibat ibang ahensiya na pang tugon sa pangangailangan ng kanilang constituents.
Naniniwala rin si Belmonte na sapat pa ang kanilang panahon para paghandaan ang paglalatag ng proyekto ng bawat kongresista na ipapaloob sa budget para sa susunod na taon.
Magugunita na sa ilalim ng 2014 budget, tinanggal na ang isang linya ng lump sum ng pork barrel matapos umalma ang iba’t ibang sektor at bumigay ang Malakanyang sa pressure ng publiko.