^

Police Metro

Kontrol sa mga pulis ibalik sa LGUs -Solon

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang matugunan ang lumalalang insidente ng pagpatay o kriminalidad sa bansa ay dapat na umanong ibalik sa Local Government Units (LGUs) ang kontrol sa mga pulis.

Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, dapat na ibalik sa mga Alkalde ang pag kontrol sa kapulisan upang magkaroon ng full accountability sa sandaling magkaroon ng kapalpakan hindi tulad sa kalasakuyan na walang umaako ng responsiblidad sa lumalang sitwasyon ng peace and order sa bansa.

Sinabi ni Atienza, dapat na rin umanong kumilos ang Pangulong Benigno Aquino na tumugon sa lumalalang problema dahil hindi naman naalarma sa sitwasyon sina Interior Secretary Mar Roxas at PNP Chief Allan Purisima.

Ang pahayag ng kongresista ay bunsod sa sunod-sunod na pamamaslang sa prominenteng negosyante sa Mindanao, sa isang Alkalde at sa dalawang mamahayag sa Oriental Mindoro at Digos, Davao del Sur gayundin sa isang sikat na car racer.

Paliwanag pa ni Atienza, bagamat ang pag-aresto ay ang pinakamabisang paraan upang hindi na ito gawin pa ng iba ay hindi umano nagagampanan ng kapulisan kaya paulit-ulit ang nagaganap na krimen sa bansa.

“Ordinary people are reeling from the effects of the continuing incidents of killings perpetrated by criminals riding in tandem and communities being shot up.  Where will all of these lead to?  Who do we put the blame on? Who can Juan dela Cruz run to?” dagdag pa nito.

ALKALDE

ATIENZA

AYON

BUHAY PARTYLIST REP

CHIEF ALLAN PURISIMA

INTERIOR SECRETARY MAR ROXAS

LITO ATIENZA

LOCAL GOVERNMENT UNITS

ORIENTAL MINDORO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with