Total deployment ban sa Iraq, ipinatupad
MANILA, Philippines - Mahigpit na nagpatupad ang pamahalaan ng total deployment ban sa mga Pinoy sa Iraq kasunod ng pagdedeklara ng crisis alert level 3 sa nasabing bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), lalong tumataas ang tensyon at karahasan sa Iraq kaya nitong Sabado hinimok ng pamahalaan ang mga Pinoy doon na magsilikas.
Sa ilalim ng alert level 3, ang libu-libong Pinoy sa Iraq ay boluntaryong pinalilikas. Ang gagastusin sa kanilang repatriation o pag-uwi sa Manila ay mula sa pondo ng DFA o gobyerno.
Maliban sa lugar sa Iraqi Kurdistan region na nananatiling nasa alert level 1 (precautionary phase), ang lahat na ng lugar sa Iraq ay ipinatutupad ng DFA ang alert level 3 o voluntary repatriation.
Sinabi ng DFA na paÂtuloy na minomonitor ng Embahada ng Pilipinas sa Baghdad ang sitwasyong politikal at seguridad sa Iraq at nakahanda ng ipaÂtupad ang contingency plans para sa mga nagnanais na umuwi sa bansa.
Nagpadala ang DFA ng Rapid Response Team sa Iraq upang mag-asiste at tumulong sa Embassy personnel sa gagawing voluntary repatriation sa mga Pinoy doon.
Sa tala ng Commission on Filipinos Overseas noong 2012, may 6,000 permanente, pansamantala at iregular na manggagawang Pinoy sa Iraq.
- Latest