^

Police Metro

Kaso ng ‘pork 3’ nai-raffle na

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi agad agad maaaresto sina Senators Juan Ponce-Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla kahit na nai-raffle na ang kaso nilang plunder at graft sa Sandiganbayan kaugnay ng pork barrel scam.

Sa 3rd Division na pinamumunuan ni Justice Amparo Cabotaje-Tang napunta ang isang plunder case at 15 graft cases ni Enrile.

Dahil nag-inhibit si Justice Gregory Ong ng 4th Division, lumundag sa 5th Division na pinamumunuan ni Justice Roland Jurado at napunta sa kanya ang isang kasong plunder at 11 kasong graft ni  Estrada.

Napunta naman sa 1st Division ni Justice Efren dela Cruz ang isang plunder case at 16 graft cases ni Revilla.

Ngayong nai-raffle na ang mga kaso ng naturang mga mambabatas, magdedesisyon na ang Sandiganbayan kung dapat nang magpalabas ng warrant of arrest laban sa mga akusado. 
Sa kabila na hinihintay pa rin ng  Sandiganbayan kung ano ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa hiling ng tanggapan ng  Ombudsman na bumuo ito ng dalawang special divisions sa hahawak sa lahat ng pork barrel cases na nakasampa sa graft court.

Sakaling katigan ito ng SC, ililipat na lamang doon ang mga kaso ng tatlong senador at iba pang personalidad katulad ni Janet Lim Napoles.

Samantala, sinabi ni Sandiganbayan executive clerk of court Renato Bocar na may 10 araw pa ang mga justices para pag-aralan ang naturang kaso.

Subalit, hindi aniya ibig sabihin na pagkatapos ng 10 araw ay maglalabas kaagad ng arrest warrant ang graft court  dahil sa kailangan pa ng mga Sandiganba­yan justices ng panahon para pag-aralan ang naturang mga kaso.

vuukle comment

BONG REVILLA

JANET LIM NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUSTICE AMPARO CABOTAJE-TANG

JUSTICE EFREN

JUSTICE GREGORY ONG

JUSTICE ROLAND JURADO

KORTE SUPREMA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with