Kelot pinag-meryenda ng bala sa karinderya

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang lalaki nang barilin habang naghihintay ng inorder na meryenda sa isang karinderya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na nasa pagitan ng edad 35-40, may taas na 5’1” ang taas, katamtaman ang katawan, at nakasuot ng maong na pantalon at asul na stripe na long sleeve shirt.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay pumasok sa isang karinderya sa may De Jesus Street sa Bagong Barrio ang biktima kasama ang salarin at umorder ng meryenda.

 Habang naghihintay sa kanilang order, tumayo ang salarin sabay bunot ng baril at dalawang beses na pinutukan sa ulo saka mabilis na tumakas.

Wala namang nagawa ang mga tauhan ng natu­rang karinderya na nagkanya-kanyang tago dahil sa takot na madamay sa pamamaril.

 

Show comments