Pulis dedbol sa bundol

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang isang pulis matapos na mabundol ng isang kotse kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si PO2 Edgardo Macogue, 43-anyos, ng Mary Homes Subd., at nakatalaga Quezon City Police.

Ang suspek na dinakip ay kinilalang si Mark Anthony Cruz, 32, call center agent, at residente ng Pasig City na kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay tumatawid ang biktima sa Zabarte Road nang mahagip ng humahagibis na kotse ni Cruz.

Sa lakas nang pagkasalpok ay tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong kalsada na naging dahilan ng ma­tinding pinsala nito sa ulo at katawan.

Show comments