Mister na may rayuma, nagbigti

MANILA, Philippines - Tinapos ng isang mister ang kanyang buhay dahil sa umano’y hindi makayanang rayuma bukod pa ang pangungulila sa kanyang pamilya na naganap kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Ang biktima na nakabigti at isa nang bangkay ay kinilalang si Samuel Martinez, 40, stay-in  sa # 111, 3rd St. Pildera 2, Zone 20  Barangay 194 ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-4:10 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima sa unang palapag ng kanilang ginagawang gusali sa Pildera St., Zone 20, Barangay 194 ng lungsod.

Sa salaysay ng isang Jun Banadera, 42, kasamahan sa trabaho ng biktima, bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang magising siya upang magbanyo nang mapansin na wala sa kanilang higaan ang biktima kung kaya’t hinanap niya ito.

Pagbaba ni Banadera sa unang palapag ay tumambad sa kanyang harapan ang nakabigting biktima.

Huling nakita niyang buhay ang biktima noong Linggo ng umaga na wala sa sarili at tahimik lamang na idinadaing ang halos isang linggo nang pag-atake ng rayuma lalo pa’t malayo ito sa kanyang pamilya na nasa Mindoro.

 

Show comments