MANILA, Philippines - Tigok ang isang hinihinalang may ‘topak’ nang tumaÂlon sa Pasig River, sa bahagi ng Muelle de la Industria, sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Inilarawan ni SPO1 John Charles Duran ng Manila Police District-Homicide Section ang biktima sa edad na 40- 45, may taas na 5’2-5’4, katamtaman ang pangaÂngatawan, nakasuot lamang ng shorts na dirty white.
Ang Philippine Coast Guard (PCG) ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na lumulutang sa ilog at itinawag ito sa MPD dakong alas 6:30 ng umaga.
Bagamat walang nakakaalam ng pagkilanlan ng biktima, madalas umano itong pagala-gala sa lugar na sinasabing may diprensiya sa pag-iisip.
Batay sa nakuhang impormasyon ni Duran, nakita nina Irene Aquio, 30 at Christine Joy Mace, 25 ang nasabing biktima na tumalon sa ilog dakong ala-1:00 ng hapon noong Sabado at hindi na lumutang.
Inakala lamang umano ng dalawa na maliligo lamang ang biktima at hindi nila inisip na malulunod ito.
Dinala ang bangkay ng biktima sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.