NPA lider tiklo sa checkpoint

MANILA, Philippines - Nadakip ng  pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang isang mataas na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) nang  maharang ito sa checkpoint  sa Tanjay City, Negros  Oriental kamakalawa ng gabi.

Ang nasakoteng suspek ay kinilalang si alyas Ka Pediong/Nasyo, Secretary ng Southeast Front Komiteng Negros ng NPA.

Batay sa ulat, bandang alas-7:50 ng gabi nang masakote ng mga elemento ng Tanjay City Police at Army’s 302nd Infantry Brigade si Ka Pediong sa  inilatag na checkpoint sa Brgy. Tugas ng lungsod.

Si Ka Pediong ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) 7th Judicial Region Branch 41 sa Dumaguete  City sa kasong murder.

Nasamsam mula kay Ka Pediong ang isang hand grenade, isang ATM card at sari-saring mga ID’s.

 

Show comments