VM Joy B, namahagi ng libong salamin sa mata

MANILA, Philippines - Namahagi kahapon ng libu-libong salamin sa mata si QC acting Mayor Joy Belmonte na bahagi ng kanyang eye care program ng tanggapan sa ilalim ng Joy of Public Service.

Personal na tinanggap kahapon ng mga bata, matatandang residente ng QC mula sa ibat ibang mga distrito  ang eyeglasses mula kay Belmonte .

Hiniling naman ni Belmonte na pangalagaan ang kalusugan ng mga benepisyaryo ng proyekto laluna ang kanilang mga mata.

Bibisitahin ulit ni Belmonte ang mga paaralan ngayong pasukan para matiyak kung may nanga­ngailangan pa ng eyeglasses na mga mag-aaral.

Show comments