MANILA, Philippines - Kinondena ng Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) ang pagiÂging inutil ng pulisya ng Antipolo City sa sunud-sunod na pagpatay na homeowners association (HOA) presidents o urban poor leaders at organizers sa Pagrai Hills sa Brgy.Mayamot sa lungsod.
Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, ang pag-amin ni Antipolo Police Precint 1 commander Senior InsÂpector Perlito Tuayon na wala silang naaresto kahit isa sa mga suspek sa sunud-sunod na patayan sa lugar ay tanda ng pagiging inutil kaya dapat lamang masibak ito sa tungkulin.
“Dati rin akong pulis pero kailanman hindi katanggap-tanggap ang alibi na walang mahuli sa krimen dahil hindi kilala ang suspek,†ani Pineda.
Nasa puwesto na sina Antipolo Police chief Superintendent Arthur Masungsong at Tuayon nang magkasunod pinaslang sina Cuencoville HOA officials Jojo Bacurro at Remy Sucaldito at noong Marso 24, pinaslang din si Cuencoville HOA president Dionisio Asencio na nasundan nitong Miyerkules ng gabi nang pagpaslang kay Pagrai HOA organizer Francisco Abad.
Nagsimula ang serye ng pagpatay sa mga urban poor leaders sa Antipolo lalo sa Cogeo area noong 2006 sa paglikida kina Maharlika HOA president Allan Albor at pangulo ng Pagrai HOA na si Maricar Mondejar.