Ina, 6 anak na survivor ng super bagyong Yolanda patay sa sunog
MANILA, Philippines - Isang ina at lima nitong anak na pawang mga nakaligtas sa super typhoon ‘’Yolanda’’ sa Tacloban City, ang nasawi matapos na masunog ang pansamantalang tinutuluyan nilang tent kahapon ng madaling-araw.
Ang mga nasawi habang ginagamot sa EasÂtern Visayas Regional Medical Center ay kinilaÂlang si Maria Eliza Ocenar, 39 at mga anak nitong sina Cathleen, 12; Justine, 9; Jasmine Claire, 5; Jovelyn, 3 at Jacklyn, 4 buwang sanggol. Habang ang nasa kritikal ang kondisyon na si John Mark, 7 ay pumanaw na rin.
Nagkataon namang wala sa kanilang bahay ang mister ng ginang na si Reynante, 43, isang maÂngingisda.
Sa inisyal na imbesÂtigasyon, bandang alas-12:20 ng madaling-araw ay nasa kasarapan ng tulog ang mag-iina nang tupukin ng apoy ang kanilang ‘temporary shelter na matatagpuan sa Costa Brava, San Jose District.
Hindi na nakalabas ang mag-iina sa mabilis na pagkalat ng apoy sa kanilang tinutuluyang tent.
- Latest