Sgt. Esguerra Avenue sa QC gagawing tourist destination

MANILA, Philippines - Nag-oorganisa na ang QC government ng isang technical working group na pangungunahan ni QC Vice  Mayor Joy Belmonte para sa development ng  Sgt. Esguerra Avenue na kinalalagyan ng dalawang higanteng  broadcast networks na ABS CBN at GMA 7 para ito ay maging isang major tourist destination.

Ang Sgt. Esguerra Avenue sa Barangay South Triangle mula Timog Avenue hanggang Quezon Avenue tulad ng pagiging isang movie at television-themed street ay tatawagin na QC Entertainment Boulevard na popondohan ng P100 milyon.

Plano ng QC government  na pumasok sa isang  public-private-partnership para mai-promote ang development ng  QC Entertainment Boulevardproject kabilang na rito ang pagpapaganda ng mga sidewalks, intersections at pedestrian crossings, pocket park development at ang pagtatayo ng  entrance archway at signages.

 

Show comments