MANILA, Philippines - Utas ang isang maglolo makaraang aksidenteng madaganan ng gumuhong pader sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin sa Minante 1, Cauayan City, Isabela nitong Biyernes ng hapon.
Kinilala ang mag-lolong sina Lucas Guzman, 57 anyos at apo nitong si Felix Gammad, 14 anyos.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, nadaganan ang mga biktima ng natumbang pader na halos 10 talampakan ang taas sa Minante 1 ng lungsod, dakong alas-5:00 ng hapon.
Agad namang nagresponde ang Rescue 922 at unang narekober ang bangkay ni Lucas habang gumamit naman ng heavy equipment para makuha ang katawan ng apo nito.