8 Chinese, 2 pa tiklo sa illegal mining
MANILA, Philippines - Sampu katao kabilang ang walong Chinese nationals ang nasakote ng mga awtoridad matapos maaktuhang illegal na nagsasagawa ng pagmimina at quarrying operations sa Lower Sibatang, Pagadian City, Zamboanga del Sur kamakalawa.
Kinilala ni Sr. Inspector Joseph Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang mga nasakoteng suspects na sina Li Gi Yi, 29 ; Chung Yong De, 27; Zhang Shu Kei, Duan Guang Zong , 55; Lui Chang Yin, 50; alyas Tangzihan, 25 ; alyas Xiaomin, 36; alyas Dongdong, 39. Kasama pa ang Pinay na cook ng mga ito na si Jennylyn Ramirez na tubong Masbate at isa pa na hindi natukoy ang pangalan.
Nagsagawa ng operasyon dakong alas-10 ng umaga ang pinagsanib na elemento ng Pagadian City Police Station sa pamumuno ni Supt. Glenn Macario Dulawan at Provincial Safety Company sa pamumuno ni Supt. Michael Pineda Palermo, mga kinatawan ng Department of Environment and Natural Resources at iba pa sa nasabing lugar.
Sinabi ni Ortega na ginto ang minimina ng mga Chinese at mercury naman ang kinukuha ng mga ito sa quarrying operations.
Narekober mula sa mga ito ang dalawang unit ng caterpillar back hoe at iba pang equipment na gamit sa illegal na pagmimina at quarrying. Kalaboso na ngayon sa detention cell ng Pagadian City Police ang mga suspek na nahaharap sa kasong kriminal.
- Latest