^

Police Metro

ABC prexy utas sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang isang  presidente ng Association of Brgy.Captains (ABC) habang nasugatan ang dalawang katao nang tamaan ng ligaw na bala sa isang  pananambang kamakalawa sa Calabayog City, Samar.

Ang biktima ay kinilalang si Justiniano Belleza, chairman ng Brgy. Carayman na nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Benido Domayan at Francisco Taduyo, pawang mga bystander na nadamay lamang sa insidente.

Sa ulat, bandang alas-9:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa harapan ng Legislative Building sa kahabaan ng Bugallon Street sa lungsod nang sumulpot sa lugar ang tatlong lalaki na magkakaangkas sa motorsiklo at nakasuot ng helmet.

Bumunot ng baril ang dalawang angkas at pinagbabaril ang biktima.

Isa sa sinisilip na motibo ay may kinalaman sa pulitika.

vuukle comment

ASSOCIATION OF BRGY

BENIDO DOMAYAN

BRGY

BUGALLON STREET

BUMUNOT

CALABAYOG CITY

CARAYMAN

FRANCISCO TADUYO

JUSTINIANO BELLEZA

LEGISLATIVE BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with