Dalagita ginahasa ng matanda sa harap ng kapatid

MANILA, Philippines - Sa harap ng isang 12-anyos na batang lalaki ginahasa ang kanyang ate na 14-anyos ng kanilang kapitbahay na 65-anyos sa Brgy. Quebiawan, San Fernando City, Pampanga.

Nadakip agad ang suspek na si Reynaldo Tamayo, biyudo, residente ng Duplex Purok, ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon na ang panghahalay sa biktima na itinago sa pangalang Sabel ay naganap sa pagitan ng alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi sa bayan ng Bagong Sibol, Brgy. Quebiawan ng naturang siyudad.

Nabatid na inimbita­han umano ng suspek ang magkapatid sa kaniyang bahay, subalit habang nasa loob  ng bahay ay agad nitong hinubaran ng damit ang dalagita na sinabing maglalaro lamang umano sila saka ginahasa sa harapan mismo ng nakababata nitong kapatid na lalaki.

Matapos makaraos ay binigyan pa umano ng kendi at pera ng matanda ang magkapatid at sinabing huwag magsusumbong sa kanilang mga magulang.

Paikaikang umuwi ang dalagita habang isinumbong naman kaagad ng batang lalaki sa kanilang ama ang ginawang pangmo-molestiya ng suspek sa kaniyang ate.

Agad na humingi ng tulong sa barangay ang ama na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

Show comments