^

Police Metro

Sa pagsasapubliko ng Napoles list... Mag-ingat sa agenda ni Lacson-SB

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang may personal agenda, sariling plano at laro si dating Senador Panfilo Lacson sa pagsasapubliko ng Napoles list.

Ito ang inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Vice-president ng Liberal party (LP) kaya’t dapat mag-ingat ang publiko.

Paliwanag ni Belmonte, ipina-subpoena na ng Senate Blue Ribbon Committee si Justice Secretary Leila de Lima at dapat na munang hintayin ang aksyon dito ng Senado at huwag pangunahan.
Maging ang ibang mi­yembro ng mayorya na sina Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte at Quezon City Rep. Bolet Banal ay sang-ayon na ipaubaya na lamang sa senado ang pagbusisi sa Napoles list.

Maituturing anya na wala sa panahon sakaling magpatawag naman ng imbestigasyon ang Pangulo bukod dito ay  nagpahayag din naman si Lacson ng kahandaan  na haharap sa pagdinig sa oras na maipatawag ng Senado upang masuri ang listahan at makita kung may pagkakaiba sa listahan na mayroon naman si De Lima.

BOLET BANAL

DE LIMA

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

JORGE ALMONTE

JUSTICE SECRETARY LEILA

MISAMIS OCCIDENTAL REP

NAPOLES

QUEZON CITY REP

SENADO

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with