Saksak kay utol sinalo ng kuya

MANILA, Philippines - Ipinakita ng isang kuya ang kanyang pagmamahal sa nakababatang kapatid nang siya ay mapatay nang gumitna at saluhin mula sa kaaway nito kamakalawa sa Sitio Mangga, Brgy. Bunguiao, Zamboanga City.

Ang biktima ay kinila­lang si Gani Sampuyung, 38, mi­yembro ng CAFGU  na nakatalaga sa Dita CAFGU detachment  at residente ng Brgy. Sangali ng lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Fernando Sta. Maria, ng Brgy. Bolong ng nabanggit ring lungsod.

Sa ulat ni Sr. Inspector Robert Ortega, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa nasabing lugar ay nag-iinuman ang suspek at ang nakababatang kapatid ng biktima sa bahay ni Orlando Francisco nang magkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo na nauwi sa suntukan.

Nang makarating sa biktima ang balita na away ay  tinangka nitong pumagitna na kung saan ay bumunot ng patalim ang suspek at nang saksakin ang kapatid ay siya ang tinamaan.

Mabilis na dinala ang biktima sa Mindanao Central Sanitarium Hospital.subalit idineklarang dead- on-arrival. 

 

Show comments