Magulang at estudyante hinimok na makiisa sa Brigada Eskuwela

MANILA, Philippines - Nananawagan ang pamunuan ng Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral at mga magulang na makiisa sa isasagawang Brigada Eskuwela school repair-cleaning program sa bansa, kasunod nang nalalapit napagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Ayon sa DepEd, ang Brigada Eskuwela ngayong taon ay idaraos mula Mayo 19 hanggang 24 sa elementary at high school levels.

Magpopokus umano sa pagkukumpuni at paglilinis sa mga desk, blackboards at comfort rooms ng mga paaralan. Batay sa ipinalabas na school calendar ng DepEd, ang School Year 2014-2015 ay magsisimula sa Hunyo 2 at magtatapos sa Marso 27, 2015.

Ang isang school year ay mayroong 201 school days.

 

Show comments