CGMA lusot sa fertilizer fund scam

MANILA, Philippines - Lusot sa kasong ferti­lizer fund scam na umaabot sa P78 milyon si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos ibasura ng Office of the Ombudsman ang kasong graft na isinampa dito.

Sa pahayag ni Atty. Raul Lambino, chief of staff ni Gng. Arroyo na base sa resolution ng Ombudsman na ibinasura ang kaso dahil sa kawalan ng legal na basehan para isulong ang kaso.

Batay pa aniya sa resolution ng Ombudsman walang nakita ang anti graft body na sapat na ebidensya na mag-uugnay kay Gng.  Arroyo sa kaso.

Maaalala na sa isi­nam­­pang reklamo nina dating Solicitor General Frank Chavez at iba pang grupo, iginiit ng mga ito na  nagamit ang milyun-milyong pondo na para sana sa mga magsasaka sa 2004 campaign ni Gng. Arroyo.

Sinabi ni Lambino na natutuwa umano si Gng.Arroyo dahil wala naman talaga siyang kinalaman dito at nalulungkot naman siya dahil masyadong nagamit sa pulitika ang nasabing kaso sa kabila nito umaasa pa rin ang dating pangulo na maibabasura ang ibang pang niyang kaso.

 

Show comments