MANILA, Philippines - Magbababa ng siÂngil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Mayo sa halaÂgang P0.05 kada kilowatt hour (kWh).
Mababawas umano ito sa overall pass-through charge kabilang ang geÂneration charge, transmission charge, system loss at iba pa.
Nabatid na ang pagbaba ng singil ay bunsod nang pagbaba ng ilang component tulad ng transmission, system loss at iba pang charges kahit tumaas pa ng P0.07 kada kWh ang generation charge.
Para sa tahanan na kumukonsumo ng 101 kWh kada buwan ay mababawasan ng P5 ang singil sa kuryente habang P10 naman ang bawas sa kumokonsumo ng 200 kWh at lagpas sa P15 naman ang kaltas
sa bill ng kumokonsumo ng 300 kWh.
Matatandaan na una nang inanunsyo ng Meralco na magtataas-singil sila sa generation
charge dahil sa malakas na pagkonsumo ng kuryente ngayong summer season.