^

Police Metro

4 sundalong adik tanggal sa serbisyo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanggal sa serbisyo ang apat na sundalo matapos magpositibo ang mga ito sa paggamit ng shabu sa lalawigan ng Iloilo

Ito ang inihayag ni Major Ray Tiongson, Spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division natumanggi na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga sundalo na kinabibila­ngan ng isang Army Sergeant, isang Corporal at dalawang Private First Class.

Nabatid na noong Agosto ng nakalipas na taon ay sinimulang isalang sa drug test ang tropa ng mga sundalo ng 82nd IB sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Aldwin Almase na pinaghati sa ilang batch ang nasa 500 nitong tauhan.

Noong una ay negatibo ang resulta ng drug test sa apat na sundalo, subalit muli namang ipinasalang sa unang bahagi ng taong ito sa confirmatory drug test na kung saan ay nagpositibo na ang mga ito sa paggamit ng shabu.

Sinabi ng opisyal na taun-taon ay isinasagawa ang drug test sa hanay ng mga sundalo upang tiya­king drug free ang  hukbong sandatahan alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista.

AGOSTO

ALDWIN ALMASE

ARMY SERGEANT

CHIEF OF STAFF GEN

EMMANUEL BAUTISTA

ILOILO

INFANTRY DIVISION

MAJOR RAY TIONGSON

PRIVATE FIRST CLASS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with