MANILA, Philippines - Nagsimula na kahapon ang PH-US Balikatan 2014 military exercises na naglalayong palaÂkasin pa ang maritime surveillance operations at humaniÂtarian civic assistance at disaster response, isang linggo matapos ang pagbisita ni US President Barack Obama sa bansa.
Si Obama ay nangako ng “ironclad’ na pagdepensa o pagsaklolo sa Pilipinas laban sa sinumang bansa na magtatangkang agawin ang teritoryo nito na bagaman hindi naman direktang tinukoy ay direktang tinamaan ang China sa pagiging agresibo nito sa mga inaangking isla sa West Philippine Sea .
Bago umalis si Obama sa Pilipinas noong nakalipas na linggo ay tiniyak nito na tatalima ang Estados Unidos sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT) na nagpapatatag pa sa alÂyansa sa pagitan ng kanilang bansa at ng Pilipinas.
Ayon naman kay Lt. Annaleah Cazcarro, co-Director ng Combined Joint Information Bureau ng Balikatan 2014 ang ika-30 Balikatan drills ay nilahukan ng 3,000 sundalong Pinoy at 2,500 tropang Kano na tatagal hanggang Mayo 16.
Ang Balikatan 2014 ay tatampukan ng live fire drills, search and rescue operations at humaniÂtarian civic and disaster response sa mga piling lugar sa Zambales, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Legazpi City, Albay; Palawan, Crow Valley, Tarlac at iba pa.