2 lalaki nagbaril sa sarili

MANILA, Philippines - Kapwa nagbaril sa sarili ang dalawang lalaki dahil sa matinding depresyon sa magkahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila.

Ang unang biktima ay kinilalang si Bernardo Sebastian, 62 na nagpakamatay sa pagbaril nito sa sentido dakong alas-7:30 ng gabi sa loob ng kanyang bahay sa Antonio Rivera St., Tondo.

Malaki ang hinala ng pulisya na sa sobrang depresyon nito sa matagal na niyang sakit ang naging dahilan para tapusin nito ang buhay.

Ayon sa pulisya na tinawag umano ng biktima ang  kanyang guwardiya na si Benjamin Cantong at hiniram ang baril nito.

Nagbaril din ang construction worker na si Mark Roland Soriano, 25, ng  202 Lallana St., Tondo dahil sa depresyon simula nang ito’y  lumabas sa rehabilitation center,  may limang taon na umano ang nakararaan.

Kapwa isinailalim sa paraffin test ang dalawang biktima upang matukoy kung may foul play.

Show comments