15 bahay sa Marikina natupok

MANILA, Philippines - Tinupok ng apoy  ang nasa 15 bahay  sa naganap na sunog  kahapon ng madaling araw sa Barangay Barangka, Marikina City.

Sa ulat, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang magsimula ang sunog mula sa napaba­yaang kandila sa bahay ng isang Nelzon Gondeza, sa Euro St., Urban Bliss, Barangay Barangka.
Umabot ng ikaapat na alarma ang sunog na naapula dakong alas-3:10 ng madaling araw dahil nahirapang makapasok sa lugar ang mga
trak ng bumbero.

Nabatid na gumamit umano ng kandila si Gondeza dahil naputulan ng kuryente ang kanyang bahay. Wala namang iniulat na nasugatan sa insidente.

Show comments