^

Police Metro

Mayor inutas sa flag raising ceremony

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Niratrat ng nasa 20 armadong rebeldeng New Peoples Army (NPA)  ang isang mayor matapos na salakayin ang munisipyo sa kalagitnaan ng flag raising kahapon ng umaga sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Ang nasawi ay kinila­lang si Gonzaga Mayor Carlito Pentecostes Jr.

Sa ulat na  nakarating kay Cagayan Provincial Police Office Director P/Supt. Gregorio Lim na dakong alas-8:00 ng umaga habang nagpa-flag ceremony  sa tapat ng munisipyo ay biglang sumulpot ang nasa 20 armadong NPA rebels  at niratrat si Pentecostes.

Namatay noon din ang alkalde sanhi ng tama ng malalakas na kalibre ng armas.

Ayon naman kay Major Emmanuel Garcia, Commander ng 1st Civil Relations Group ng AFP Northern Luzon Command ang mga rebelde ay  lulan ng dalawang van at nakasuot ng uniporme ng pulis kaya’t  hindi inakala ng mga empleyado ng munisipyo na mga rebeldeng NPA ang mga ito.

Dinisarmahan ng mga rebelde ang tatlong pulis na nagtra-trapiko sa lugar at puwersahang kinuha ang kanilang mobile cars at  ginamit na  get away vehicle.

Idinispatsa ang tropa ng Army’s 502nd Infantry Brigade, CAFGU upang tumulong sa puwersa ng pulisya sa pagtugis sa mga rebelde.

 

CAGAYAN PROVINCIAL POLICE OFFICE DIRECTOR P

CIVIL RELATIONS GROUP

GONZAGA MAYOR CARLITO PENTECOSTES JR.

GREGORIO LIM

INFANTRY BRIGADE

MAJOR EMMANUEL GARCIA

NEW PEOPLES ARMY

NORTHERN LUZON COMMAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with