Kagawad utas sa tandem

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad ang binaril at napatay ng hindi pa nakilalang riding in tandem sa bayan ng Bucay, Abra kamakalawa.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si  Heriberto Bernese, 46-anyos, residente ng Sitio Alikono, Brgy. Layugan ng bayang ito sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa leeg at ilong na naglagos sa kabilang bahagi ng ulo nito.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon habang ang biktima ay nagpapastol ng alagang baka sa nasabing lugar nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril ang una. 

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek sakay ng isang kulay asul na motorsiklo na walang plaka.

Show comments