Presyo ng asukal, tumaas

MANILA, Philippines - Agad na umalma ang pamunuan ng Sugar Regulatory Board (SRB) sa  balitang tumaas ang presyo ng asukal sa ilang  pamilihan sa bansa.

Ayon kay SRB administrator Ma. Regina Martin, walang dahilan para magkaroon ng pagtaas sa halaga ng asukal dahil sapat ang suplay nito sa bansa kaya’t nananatiling mula P39 hanggang 46 ang kilo ng white at brown sugar sa bansa.

Sa katunayan nag-export pa ang Pilipinas ng mahigit na 125,000 metric tons ng “D” sugar worldwide at dagdag na  60,000 metric tons sa Estado Unidos.

Bagamat nagkaroon ng delay  sa anihan ng tubo ngayon taon kumpara noong nakaraang taon ay hindi ito dapat gamitin ng mga negosyante para maitaas ang halaga ng asukal.

Show comments