Ulo biniyak na parang buko

MANILA, Philippines - Isang 43-anyos na lalaki ang nasawi matapos na tagain na parang buko ang kanyang ulo ng isang kakilala na kanyang nakatalo kamakalawa sa  Brgy. Maytalang I, Lumban, Laguna.

Ang nasawi ay kinilalang si Nelson Garbo, binata at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Balubad, Lumban ng lalawigang ito.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Kenneth Lacbay, nasa hustong gulang ng Brgy. Maytalang I sa nasabing bayan.

Sa ulat, dakong alas- 11:45 ng gabi ay nakita ng ilang bystander ang dalawa na nag-uusap sa lugar hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Ilang saglit pa ay bigla na lamang tinaga ng suspek ang biktima na armado ng jungle bolo sa ulo at pagkatapos ay tumakas.

Show comments