^

Police Metro

PNPA nagsisipag-alburuto vs PMA

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y patu­loy na diskriminasyon at pag-iral ng ‘favoritism’ sa promosyon sa mga puwesto sa Philippine National Police ay nagsisipag-alburuto ngayon ang mga opisyal na gradweyt sa Philippine National Police Academy (PNPA) na binansagang ‘fried chicken’ ng kontra sa mga produkto naman ng tinaguriang ‘crispy pata’ mula sa Phi­lippine Military Academy (PMA).

Ito ang inihayag ng isang PNP opisyal na tumangging magpabanggit ng pangalan kaya’t nagsasagawa ng sikretong pagpupulong ang mga Class Presidents ng NPA mula 1983 hanggang 1992 sa kanilang mga mistah  na magkaisa para ilabas ang kanilang mga karaingan.

Kinondena ng mga ito ang umano’y hindi patas na pagtrato sa mga ‘fried chicken’ kumpara sa mga ‘crispy pata’ ng liderato ng PNP  sa isyu ng promosyon at maging sa pagtatalaga sa mga ito sa mga bagong posisyon.

Ayon sa isang police officers  na batid ang pag-alma ng mga dismayadong PNPA graduates na nagbabala at kinakausap na nila yung kanilang mga kaklase sa PNPA, partikular na yung may mga ranggo ng Superintendent at Senior Superintendent na ang posisyon ay hepe ng regional at provincial public safety battalions.

Sa kasalukuyan anya ay mahigit  lamang sa 300 ang PMA officers sa PNP pero 95 % sa mga ito mali­ban na lamang ang mga hepe ng PNP Crime Laboratory, PNP Chaplain at Chief Medical Officer  ang nakapuwesto sa ahensya. Nasa 3,600 naman ang mga PNPA graduates sa PNP.

Iginiit ng opisyal na hindi makatwiran na tratuhin silang mga 2nd class citizens ng liderato ng PNP partikular na sa promosyon at maging sa mga bakanteng puwesto na kadalasang ang mga tinaguriang “crispy pata” ng PMA ang nakikinabang.

Tinukoy nito na ang bumubuo sa PNP Senior Officers Placement and Promotions Board (SOPPB)  ay 100 % na binubuo ng PMA officers na karamihan ay pinapaboran sa promosyon ang kanilang mga kapwa “crispy pata” kumpara sa mga “friend chicken” sa kanilang hanay.

“Walang kalaban–laban dito ang mga PNPA graduates kung may deadlock, mag-a-appoint sila ng OIC o Acting Capacity na mga PMA officers. Ang siste, para lang di sila masingitan ng non-PMAERs, puro OIC lang ang inilalagay nila at tumatagal na ito sa puwesto maski lagpas sa dalawang taon “, anang opisyal sa aniya’y umiiral na mafia ng mga ‘crispy pata’ sa PNP.

ACTING CAPACITY

CHIEF MEDICAL OFFICER

CLASS PRESIDENTS

CRIME LABORATORY

MILITARY ACADEMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with