MANILA, Philippines - Nag-isyu ng arrest warrants ang Taguig Municipal Trial Court (MTC) Branch 74 laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at limang iba pa sa kasong grave coercion kay actor-host Vhong Navarro. Ito ang kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima.
Ayon kay DOJ ProÂsecutor General Claro Arellano na noon nakalipas pa na Biyernes (Abril 11) nang magpalabas ng warrants of arrest si Taguig MTC Branch 74 Judge Bernard Bernal.
Ang nasabing mandamiento de aresto ay hiwalay sa kasong serious illegal detention na naisampa sa Taguig City RTC Branch 271.
Sa resolution na may petsang Abril 4, ay sinabi ng DOJ na malinaw na ang grupo ni Lee ay inalisan si Navarro ng kalayaan noong Enero 22 hanggang sa hatinggabi ng Enero 23 na isang elemento ng krimen na serious illegal detention na isang kaso na walang piyansa na nasa sala ni Judge Paz Ezperanza Cortes, ng Taguig City Regional Trial Court, Branch 271.
Bukod kina Cornejo at Lee, kasamang ipiÂnaaaresto sa kasong grave coercion sina Bernice Lee, Simon Raz, Jose Paulo Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.
Nabatid na ang kasong grave coercion ay isang bailable offense kung saan pinapayagan ang respondent sa kaso na magpiyansa ng P12,000 kada isa.