P492-M project sa Sta Rosa, pinalalantad
MANILA, Philippines - Umapela ang mga taxpayers ng Sta. Rosa, Laguna kay Pangulong Benigno Aquino III na atasan nito ang Sta Rosa City Council na ilantad sa publiko ang katotohanan sa P492 milyong Multi-Purpose Sports Stadium project.
Sinabi ni Alice Lazaga, sa kabila ng kanilang paÂnawagan kay Vice-Mayor Arnel Gomez na isapubliko ang katotohanan sa multi-milyong proyekto ay nanatiling bingi ang mga opisyal.
“We view with dire apprehension the fact that contractor Izumo Contractor, Inc. is owned by Cedric Lee, the central figure in the mauling controversy - whose seveÂral other public deals and projects in many parts of the country have been reportedly tainted with issues of fiscal indiscretion and irregularities. This becomes even more disturbing in the view of the fact that Cedric Lee is closely associated with fellow contractor Vicente “Bong†Cuevas, a putative ‘intimate friend’ of our lady mayor,†wika pa ni Ms. Lazaga.
Binatikos din nila si Rep. Dan Fernandez dahil sa pagiging tahimik nito sa isyu dahil sa panawagan ding paimbestigahan sa Kongreso si Mayor Arlene Arcillas hinggil sa nasabiÂng proyekto na pinaniniwalaan ng mga tax payers na balot ng anomaly.
Anila, ang kanilang pinagtataka ay halos kasabay ng proyekto ito ay ang proyekto na katulad nito sa kalapit na lungsod ng Binan subalit ito ay napasinayaan na pero ang proyekto sa Sta. Rosa ay nanatiling hindi natatapos.
“Why is it that Rep. Fernandez ignores the call of taxpayers to investigate City Mayor Arlene Arcillas over the issue to stop corruption once and for all? Is it because they both belong to the Liberal Party or future running mates in 2016 elections?†giit pa ni Lazaga.
- Latest