^

Police Metro

Ginang utas, 1 pa kritikal sa trak

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 46-anyos na ginang habang nasa kritikal na kalagayan ang kasama nito matapos na ang sinasakyan nilang motorsiklo ay sinalpok ng trak ng softdrinks kamakalawa sa Emilio Aguinaldo Intersection, Brgy. Lucsuhin, Silang, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Anna Sepe, may-asawa ng Sampaloc 2, Brgy. Bucal, Dasmariñas City, Cavite habang kritikal naman ang kasama nitong si Balvir Kur Singh, 47, Indian national.

Nadakip naman ang driver ng truck na si Cesar Alcantara, 55, ng Purok 3, Brgy. Turbina Calamba City, Laguna.

Sa ulat, bandang alas-5:25 ng hapon ay angkas ang nasawi sa motorsiklo (6057-PT) na minamaneho ni Singh at pagda­ting sa lugar ay bigla na lamang silang sinalpok ng truck ng softdrinks (UNP-196).

Sa lakas nang pagkakasalpok ay  pumailalim ang mga biktima sa trak at nasagasaan pa ang mga ito.

 

vuukle comment

ANNA SEPE

BALVIR KUR SINGH

BRGY

BUCAL

CAVITE

CESAR ALCANTARA

EMILIO AGUINALDO INTERSECTION

TURBINA CALAMBA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with