Buntis nalunod sa creek

MANILA, Philippines - Natagpuang palutang-lutang sa creek ang bangkay ng isang babaing bun­tis matapos na ito ay maligo kamakalawa sa Pasay City.

Inilarawan ng pulisya ang babae na nakasuot ng puting t-shirt at short na maong at tinatayang nasa tatlo hanggang apat na buwang buntis.

Sa pahayag ng dalawang saksi na bago natagpuang patay ang biktima dakong alas-3:30 ng hapon sa isang creek na matatagpuan sa harapan ng Diplomat Building sa kahabaan ng Roxas Boulevard ay naliligo ito doon, subalit pagkalipas ng isang oras ay nakita na lamang nila itong lumulutang.

 

Show comments