QC isusulong maging technical skills capital

MANILA, Philippines - Isusulong ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na maging technical skills capital ng Pilipinas ang lungsod.

 Katulong ng QC govern­ment ang pamahalaan ng Korea sa pagkakaroon ng isang tripartite agreement ang Korea at Pilipinas (KORPHIL) sa pamamagitan ng  Korean International Cooperation Agency, TESDA   para makapag produce ang lungsod ng mga highly skilled manpower sa IT industry.

Anya, naglaan ang Korea ng $4.3 milyon sa Tesda para pondohan ang proyektong ito sa QC gayundin  ang mga equipment at structure para dito.

Para sa matagum­pay na pagpapatupad ng proyektong ito ay nakapagpatayo ang QC government ng IT trai­ning center sa Novaliches katulong ang Korea upang  dito hasain at bigyan ng training ang mga taga QC tungkol  sa IT at ang mga graduates dito ay  bibigyan ng trabaho ng KORPHIL.

Show comments