Kano, dedo sa bangungot

 MANILA, Philippines - Hinihinalang binangungot ang isang Amerikano makaraang makitang wala ng buhay sa loob ng bahay nito sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 Nakilala ang nasawi na si Mathew Thompson, 56-anyos, American national, at pansamantalang naninirahan sa GSIS Hills Subd., Brgy. Talipapa ng lungsod.

 Sa pahayag ni Jenefer, asawa ng biktima, alas-5:00 ng madaling araw, ginigising niya ang asawa sa loob ng kanilang kuwarto upang painumin ng gamot sa sakit na diabetes ngunit hindi ito tumutugon kahit anong yugyog niya.

 Humingi ito ng saklolo sa mga kasamahan sa bahay at napagtanto na wala na itong buhay.

 Nakatakdang magtungo ngayon sa US Embassy si Jenefer upang ipabatid pagkamatay ng kanyang kinakasamang Amerikano.

Show comments