Tandem attack: Tsinoy trader utas

MANILA, Philippines - Napatay sa ambush ang isang negosyanteng Tsinoy nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa highway ng Brgy. Dipole, Molave, Zamboanga del Sur.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Eddie Go, 56-anyos.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon sa kahabaan ng highway ng Brgy. Dipole, Molave ay kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo ga­ling sa bahay at patu­ngong Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur nang sundan ng mga suspek.

Pagsapit sa lugar ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang biktima na duguang tumilapon sa motorsiklo.

Pagbagsak ay mu­ling pinagbabaril ng mga suspek ang biktima para tiyakin na hindi na ito mabubuhay pa.

Dalawang anggulo ang sinisilip ng mga otoridad sa kaso na ang una ay alitan sa lupa at personal na away.

 

Show comments