7 sugatan sa salpukan ng bus at jeep

Bumaliktad ang pampasaherong jeep na ito matapos na masalpok ng pampasaherong bus kahapon ng umaga sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City na ikinasugat ng pitong pasahero. Boy Santos

MANILA, Philippines - Nasugatan ang 7 pasahero nang  salpukin ang sinasakyan nilang jeep ng pampasaherong bus kahapon sa sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang nasugatan na dinala sa East Avenue Me­dical Center ay kinilalang sina Angel Mae Lirag, 21; Marie Grace Bascara de Leon, 28; Rynan Dios Aban Francisco, 29; Algen Sorio, 21; Analyn Dios Aban, 42; Mary Jan Avestruz, 17; at Rolando Velasco, 45, driver ng jeep (TVP-657).

Sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga ay kapwa tinatahak ng jeep at Corimba bus (TYW-381) na minamaneho ni Junbeth Baron, 36, ang kahabaan ng Commonwealth Avenue at pagsapit sa harap ng Commission on Human Rights, Brgy. San Vicente ay nabundol ng bus ang jeep.

Sa lakas nang pagkabundol ay nagpaikot-ikot ang jeepney bago tuluyan itong bumaliktad.

Tumakas ang driver ng bus pero hinabol ito ng traffic enforcers ng DPOS at nasukol sa bahagi ng Luzon Avenue, kanto ng Commonwealth Avenue.

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting to damages to property with multiple physical injuries, ang driver ng bus.

Show comments