MANILA, Philippines - Isusunod na ang pag-freeze sa mga assets at bank accounts nina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong†Revilla Jr., at Jinggoy Estrada.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima dahil sa tinatrabaho na ito ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), subalit hindi niya anya maaaring ibulÂgar ang estratehiya at proseso ng AMLC para sa kinakaharap na kaso ng tatlong senador na sabit sa plunder at graft.
Tanging sinigurado ni De Lima na ang pagbawi sa assets ng tatlong senador na nasa ilalim ng Inter-Agency Graft Coordinating Council (IAGCC).
Magugunita na inirekomenda kamakailan ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft at plunder laban sa tatlong senador at mga personalidad na sabit sa Priority DeveÂlopment Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.
Nagkamal umano si Enrile ng P172 milÂyon; P242 milyon, si Revilla at P183 milyon si Estrada na mula umano sa illegal kickbacks ng pork scam.
Pito rin umano ang kinasuhan kabilang na ang negosyanteng si Janet Lim Napoles na sentro ngayon ng corruption scandal dahil sa “pork barrel†funds gamit ang pekeng non-government organizations (NGOs).
Magugunita na noong Huwebes ay naglabas ang Manila Regional Trial Court ng Asset Preservation Order (APO) sa mga bank account, sasakyan, at iba pang ari-arian ni Napoles gayundin ang kanyang pamilya at iba pang sangkot.