Top 4 sa PNPA cadets anak ng mga pulis
MANILA, Philippines - Mga anak ng mga pulis ang top 4 sa mga nagsipagtapos sa kabuuang 202 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Sa ginanap na graduaÂtion ceremony kahapon ng PNPA sa Camp MariaÂno Castañeda sa Silang, Cavite, itinanghal na topnotcher sa Mandirigmang May Dangal at Isipan Laan Para sa Bayan (Mandilaab) Class 2014 si Police Cadet Glenn Tabo Santilices, 25, anak ni PO3 Heide Santilices na tumanggap ng Kampilan Award mula kay Pangulong Benigno Aquino III at PNP Chief P/Director General Alan Purisima.
Pumangalawa naman si Police Cadet Bryan John Dayag Baccay, 21, ng Tuguegarao City, Cagayan at anak ng retiradong pulis na si Nelson Baccay na tumanggap naman ng Vice President Kampilan Award mula kay Vice President Jejomar Binay.
Nasa pangatlong puwesto naman si Police Cadet Allan Benedict Ramos Rosete, 22, anak ng pulis na si Benny Rosete na tubong Penablanca, Cagayan na personal na tumanggap ng Secretary of Interior and Local Government Award mula kay Interior Secretary Manuel Roxas II.
Ang pang-apat naman ay si Police Cadet Andy Ray Asturias Geronilla na ang ama ay ang retiradong pulis na si Edilberto Geronilla at tumanggap ng Plaque of Merit .
Ang 202 nagsipagtapos ay kinabibilangan ng 192 lalaki at 10 babae ay otomatikong nabiyaÂyaan ng ranggo bilang mga bagong Police Inspectors.
Mahigit kalahati sa mga nagsipagtapos ay mapupunta sa PNP, 10 sa Bureau of Jail Management and PenoÂlogy (BJMP) habang ang nalalabi pang siyam ay matatalaga naman sa Bureau of Fire and Protection (BFP).
- Latest