MANILA, Philippines - Kalaboso ang dalawang mister nang ireklamo ng panggugulpi ng kani-kanilang mga asawa sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan City, kahapon.
Ang mga mister na nahaharap sa kasong physical injury in relation to violation against women and their children ay sina Rowell Maginoo, 30 ng Mariano Ponce st., Bagong Barrio; at Romeo Esliza, 44, ng M. De Castro St., Bagong Barrio.
Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga ay nagÂluluto sa kanilang bahay si Ellen Mae Joyce Golles nang mapansin na kinakain ng mister na si Maginoo ang kayang paninÂdang geÂlatin kung kaya’t sinaway niya ito.
Nagalit ito at biglang sinakal si Ellen saka kinaladkad palabas ng bahay at patuloy na sinaktan.
Humingi ng saklolo si Golles sa mga tanod at pulis na siyang umaresto sa mister.
Ganito rin ang inabot ng misis na nakilala sa pangalang “Gemma†buhat sa kamay ng suspek na si Esliza.
Sa salaysay nito, dakong alas-9:00 ng umaga habang siya ay naglalaba nang lapitan siya ng mister at dukutin ang kanyang cellular phone sa kanyang bulsa.
Balak umano nitong ibenta ang cellphone para magamit ang pera sa pagbili ng gamot para sa anak niya sa ibang babae na nakaratay sa ospital.
Tumanggi ang ginang na ibenta ang kanyang telepono at nakipag-agawan sa mister hanggang sa pinaggugulpi na agad namang nagsumbong sa presinto at ipinaaresto ang mister.