90,000 PCOS machine pinasisiyasat sa SERC
MANILA, Philippines - Nais ng isang anti-graft group na siyasatin ng Senate Electoral Reforms Committee (SERC) na pinamumunuan ni Sen. Koko Pimentel at magsagawa ng imbestigasyon tungkol sa ‘total poll-worthiness’ ng P1.8-billion worth 90,000 Precinct Count Optical Scanners (PCOS) machine upang masiguro ang fraud-free 2016 elections.
Ayon kay Jonathan Sinel, spokesman ng Movement Against Graft and Abuse of Power (MAGAP), ito ang tamang pagkakataon upang magsagawa ng imbestigasyon ang SERC para mapigilan ang anumang planong pandaraya sa darating na 2016 elections.
Sinabi ni Sinel, dapat alamin din ng SERC ang tunay na kalagayan ng 90,000 PCOS machines na dapat ay nakaimbak sa isang warehouse na mayroong memory configuration sa Laguna na pinondohan ng Kongreso.
Wika ni Sinel, kailangan lamang ay ang upgrading ng 90,000 PCOS machines kaysa muling gumastos ang gobyerno para sa pagbili ng P60-B na panibagong computer na gagamitin sa susunod na halalan.
“After 2013 polls, the 90,000 PCOS machines were transferred to a warehouse that does not fit to the requirement of the BAC and of the House Committee on Appropriation –and to date, it looks that not one from candidates with electoral protests in 2010 and 2013 have knowledge of the whereabouts of these machines that are crucial to re-reading of election results in protests in both elections,†sabi pa ng MAGAP.
Magugunita na nakabinbin pa din ang protesta ni DILG Sec. Mar Roxas sa 2010 vice-presidential elections bukod sa iba pang mga election protests nitong 2013 elections na kinabibilangan ng 62 electoral protests kabilang ang 32 congressional candidates kasama si Aga Muhlach.
- Latest