^

Police Metro

Kaso laban kay Court Admin. Midas Marquez ibinasura

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - IBINASURA ng Korte Suprema ang reklamo laban kay Court Administrator Jose Midas Marquez  kaugnay sa alegasyong hindi nito naaksiyunan ang ilang kaso hinggil sa mga  empleyado ng Pasay court na diumanoy sangkot sa katiwalian.

Sa kautusan, idinismis ang inihaing kaso ng isang Domingo S. Mariano laban kay Marquez dahil sa kawalan ng basehan at merito.

Iginiit ni Mariano sa alegasyon na ang hindi pag-aksiyon ni Marquez ay paglabag sa “Sec. 3, par. (e) and par. (f) of Republic Act (RA) No. 3019 and Sec. 5, par. (a) of RA No. 6713.”

 Nagpakita umano ng bias o pagkiling ang Office of the Court Admi­nistrator (OCA) sa ilang personnel ng Metropolitan Trial Court ng Pasay City, Branch 47 sa administrative complaints ni Mariano noong Abril at Mayo 2013 kaugnay sa may 70 court employees na magkaka­sabwat sa korapsiyon.

Ipinaliwanag naman ni Marquez na lumalabas na ginagamit lamang si Mariano ng nasuspending si Judge Eliza Yu ng  MeTC, Pasay City upang makaganti sa mga court personnel na detractors nito.

May nakita umano sa police records na may calling card na may pangalan ni Judge Yu ang nakita sa wallet nito nang siya ay maaresto.

Wala umanong basehan ang reklamo dahil pawang mga kopya  lamang ng reklamo at affidavits ni Yu na nag-aakusa sa mga hukom at court personnel sa isang administrative case ang naiprisinta.

COURT

COURT ADMINISTRATOR JOSE MIDAS MARQUEZ

DOMINGO S

JUDGE ELIZA YU

JUDGE YU

KORTE SUPREMA

MARIANO

MARQUEZ

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with