Pulis na pumatay sa karibal, sumuko

MANILA, Philippines - Sumuko kahapon sa mga operatiba ng Manila Police District-Homicide Section ang isang opisyal ng pulis Angono na suspek sa pamamaril at pagpatay sa kaniyang karibal sa pag-ibig, nang puntahan ito sa Angono, Police Station, sa Rizal, kahapon ng umaga.

Ang suspek na kinilalang si Senior  Insp. Bricks Reamillo, deputy commander ng Angono Police Station ay mistulang hinihintay ang mga MPD sa pagdating na  walang kamalay-malay na napatay niya ang karibal na si Rizalino Ragel, 33 ng no. 948 Lerma , Sampaloc, Maynila nang barilin niya ito nang humarang sa pagkuha sa dating nobya na si Loreta Ocener, alyas “Attorney” 45 na bagong ka-live in ng biktima.

Show comments