P200 na ang bayad sa NBI clearance

MANILA, Philippines - Dalawandaang piso na ngayon ang halaga ng bayad sa pagkuha ng clearance mula sa National Bureau of Investigations (NBI)  sa buong bansa.

Agad na idinipensa ni Justice Secretary Leila de Lima ang dagdag na singil kung saan sinabi nito na kakaunti lang naman ang itinaas sa singil ng NBI clearance.

Mula sa dating P115  nadagdagan ng  P85 na  bayarin sa NBI clea­rance maging ito man ay local clearance o abroad.

Ang dagdag na ba­yad ay gagamitin upang mapa- upgrade ang equipments ng ahensya, computers at iba pang mga gamit at mapabilis ang serbisyo sa mga nais na kumuha ng NBI clea­rance.

Show comments